Thursday, September 23, 2010

Emilio Aguinaldo Shrine


Ang Tahanan ni Emilio Aguinaldo

Ang Aguinaldo Shrine na matatagpuan sa Kawit, Cavite ay isa sa mga pambansang dambana ng Pilipinas. Ito ang tahanan ni Emilio Aguinaldo, ang rebolusyunaryong heneral at unang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Matapos palayain ng mga Amerikano, nanirahan si Aguinaldo sa kanyang tahanan sa Kawit at dito niya pinaganda at pinatayuan ng balkonahe na inakala ng maraming bumibisita rito na siyang orihinal na lugar kung saan unang iprinoklama ang kalayaan ng Pilipinas. Ipinagkaloob ni Aguinaldo bilang donasyon sa pamahalaan ang kanyang tahanan noong 1962. Sa hardin nito inilibing si Aguinaldo.

Makasaysayang Pook - Magellan's Cross

Magellan's Cross

Ang Magellan’s Cross ay ang pinakatampok sa mga makasaysayang pook sa Lungsod Cebu na Sugbu pa ang katawagan noong dumating ang grupo ng manunuklas at nabigador na Portuges na si Fernao Magalhaes (Fernando Magallanes sa Kastila) o higit na kilala bilang si Ferdinand Magellan. Isang maliit na nayon ng mga mangingisda lamang ang Cebu ng panahong iyon. Noong Abril 21, 1521 ay nagpabinyag ang bagong kaibigan ni Magellan na si Rajah Humabon, ang kanyang asawa at higit sa 300 na mandirigma ng Rajah kay Padre Pedro Valderama.

Makasaysayang Pook - Ang Fort Santiago


Fort Santiago

Ang Fort Santiago (Fueza de Santiago) ay isang malaking kuta at tanggulan na ginawa para sa kongkistador na Kastilang si Miguel Lopez de Legaspi. Bago dumating ang mga Kastila, ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay dating kaharian ni Raha Soliman. Dito nakulong ang pambansang bayani na si Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan (Luneta ngayon).





Ang Palasyo ng Malakanyang

Ang Palasyo ng Malakanyang

Ang Palasyo ng Malakanyang (o Malacañang Palace sa Ingles) ay opisyal na tirahan ng pangulo ng Pilipinas. Nagmula ang pangalan mula sa pananalitang May lakan diyan dahil dating nakatira dito ang isang mayamang Kastilang negosyante bago pa ito naging tirahan ng punong tagaganap ng bansa. Matatagpuan sa hilagang pampang ng Ilog Pasig sa Maynila. Tumutukoy sa opisyal na tirahan ng pangulo ang Palasyo ng Malakanyang samantalang tumutukoy ang Malakanyang sa tanggapan ng pangulo at pang-araw-araw na pagtutukoy ng medya. Ipinapakita ito sa verso (likod) na bahagi ng 20-pisong salapi.
Ngayon, ang compleks ay binubuo ng Palasyo ng Malakanyang, ang Bonifacio Hall (dati'y tinawag na Premier Guest House na ginamit ni Pangulong Corazon Aquino bilang kanyang opisina at ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada bilang kanyang bahay), ang Kalayaan Hall (ang dating gusaling naging tirahan ng mga pinuno sa ilalim ng pamumuno ng mga Amerikano), ang Mabini Hall (ang gusali ng administrasyon) at ang New Executive Building (na ipinatayo ni Pangulong Aquino) kasama ang ilang maliliit na gusali. Katapat ng Palasyo ang Parke ng Malacanyang, na mayroong golf course, parke, billets para sa mga guwardya ng pangulo, isang bahay na mala-Komonwelt ang itsura (Bahay Pangarap) at recreation hall.


Monday, September 20, 2010

Makasaysayang Pook sa Pilipinas - Dambana ng Kagitingan



Dambana ng Kagitingan


Itinayo ito bilang parangal sa katapangan at kagitingan ng mg sundalong Pilipino at Amerikano na nakipaglaban sa mga Hapon noong 1942.

Makasaysayang Pook sa Pilipinas - Ang Pulo ng Mactan



Ang Pulo ng Mactan

Ang Pulo ng Mactan ay ilang kilometro na nasa timog silangan ng Pulo ng Cebu sa Pilipinas. Kasama ito sa probinsiya ng Cebu at hinahati ito sa Lungsod ng Lapu-Lapu, at ang munisipyo ng Cordova. Ang Tulay ng Marcelo Fernan ay kinakabit ang Mactan at ang Cebu.
Ang Mactan-Cebu International Airport ay makikita sa Pulo ng Mactan. Nandito din naganap ang Laban ng Mactan, ang pangunahing laban ng mga Pilipino at mga taga Europa . Itong laban na ito, na kung saan si Ferdinand Magellan at ang kanyang mga kasama ay nabigo sa paglalaban sa mga tao ni Lapu-Lapu.


Makasaysayang Pook sa Pilipinas - Luneta / Rizal Park


Luneta / Rizal Park

Tinuturing na isa sa pinakamalaking park sa Timog-Silangan Asya, ang Rizal Park ay may sukat na 58 hectares.

Noong panahon ng Kastila kilala ang lugar na ito bilang Bagumbayan. Dito din ginaganap ang mga pagpatay sa mga rebeldeng Pilipino. Noong 1902, plano ng architect na si Daniel Burnham na gawing sentro ng gobyerno ang Luneta at dito itinayo ang Executive House, Kagawaran ng Turismo at Department of Finance.

Tinawag itong Rizal Park bilang pagalala at parangal kay Dr. Jose Rizal na binaril dito noong Disyembre 30, 1896 at inilibing ang mga labi niya dito noong 1912.

Makasaysayang Pook sa Pilipinas

Ang Parola ng Cape Bojeador ay makasaysayang pook na matatagpuan sa bayan ng Burgos, Ilocos Norte, at naging bahagi ng buhay-pagdaragat ng iba't ibang henerasyon ng mga Filipino. Nakatuntong sa ibabaw ng burol Vigia de Nagparitan ang Parola ng Cape Bojeador, na pinakamataas na parola sa buong Filipinas. Matatanaw ang Dagat Timog-Tsina mula sa burol. Ito ay may layong 35 kilometro mula sa hilaga ng Lungsod Laoag.
Ang Parola ng Cape Bojeador ay ginawa noong 1892 at gumagagana pa hanggang sa kasalukuyan. Naglilingkod ito sa mga dumaraang barko at bangkang de-motor mula sa hilagang bahagi ng Dagat Timog-Tsina. Umaasiste rin ito sa mga barkong patungo sa pantalan ng Salomague, na may layong 87 kilomtero mula sa parola at sa Currimao, na 60 kilomtero ang layo. Ang ilaw ay kumikitap kada isang minuto.
Natapos noong 30 Marso 1892, ang parola ay idinisenyo at sinimulang gawin ni Engr. Magin Pers y Pers, ngunit muling binalangkas at tinapos ni Engr. Gullermo Brockman. Gawa sa lokal na tisa at hugis-oktagono ang tore na may dalawang metro ang panloob na dimensiyon; at tatlo't kalahating metro naman ang panlabas na dimensiyon.

Ang Parola ng Cape Bojeador ay may nakaiinggit na posisyon sa lahat ng parolang may hibong Espanyol at Filipino. Hindi lamang nito ginagabayan at tinatanglawan ang baybaying-dagat, natamo rin nito ang pagkilala bilang parolang pinakamadalas bisitahin ng mga turista sa buong bansa.

Makasaysayang Pook sa Pilipinas


RIZAL SHRINE SA CALAMBA

Friday, September 3, 2010

Common Laboratory Apparatus With Their Uses



Compound microscopes are common in laboratories.

Just as a business person has an office and a crafts person has a shop, a scientist has a laboratory. Like any other workspace, a laboratory holds the tools of the trade. The apparatus found in any given laboratory will vary based on the field of research and level of the researchers, such as high school, collegiate or professional. Most general purpose laboratories will contain key pieces of apparatus, such as microscopes, beakers, and Bunsen burners.more...

Mga Uri ng Anyong Lupa





Ilan sa mga anyong lupa ang mga sumusunod:



Kapatagan isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.



Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol.



Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang bulkang Pinatubo.




Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.

Lambak — isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.

Talampas — patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito.

Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat

Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.

Pulo — mga lupain na napalilibutan ng tubig.

Yungib — mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.

Tangway — pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.

Tangos — mas maliit sa tangway.

Disyerto — mainit na anyong lupa



Mga Uri ng Anyong Tubig

T
karagatan - ang pinakamalaking anyong tubig.
dagat- malaking anyong tubig, ngunit mas maliit sa karagatan
ilog- isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
golpo - bahagi ito ng dagat.
lawa - isang anyong tubig na naliligiran ng lupa.
look - malaking bahagi ng katubigang papasok sa kalupaan.
look - daungan ng mga barko at iba pang sasakyang dagat.
bukal - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan.
kipot - may kabuuang 200 ang kipot sa pilipinas dahil sa pagiging arkipelago nito
talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
batis - ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.
sapa - anyong tubig na dumadaloy.
karagatan  

http://consuelodelrosario.blogspot.com/ 
Larawan ng mga Uri ng Anyong Tubig     
http://schoolhomeworkcoach.blogspot.com/2009/07/types-of-bodies-of-water-anyong-tubig.html