Tuesday, May 17, 2011
Palasyo ng Malakanyang
Ang Palasyo ng Malacañang ay matatagpuan sa kalyeng J.P. Laurel at Arlegui, San Miguel, Maynila. Ito ay opisyal na tahanan at opisina ng Pangulo ng Pilipinas. Ipinatayo ito noong 3 Hunyo 1963, ni Gobernador Rafael Zulueta, nang ang kaniyang palasyo sa loob ng Intramuros ay masira ng lindol.
Fort Santiago
Ang Fort Santiago (Fueza de Santiago) ay isang malaking kuta at tanggulan na ginawa para sa kongkistador na Kastilang si Miguel Lopez de Legaspi. Bago dumating ang mga Kastila, ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay dating kaharian ni Raha Soliman. Dito nakulong ang pambansang bayani na si Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan (Luneta ngayon).
Krus ni Magellan
Ang Magellan’s Cross ay ang pinakatampok sa mga makasaysayang pook sa Lungsod Cebu na Sugbu pa ang katawagan noong dumating ang grupo ng manunuklas at nabigador na Portuges na si Fernao Magalhaes (Fernando Magallanes sa Kastila) o higit na kilala bilang si Ferdinand Magellan. Isang maliit na nayon ng mga mangingisda lamang ang Cebu ng panahong iyon. Noong Abril 21, 1521 ay nagpabinyag ang bagong kaibigan ni Magellan na si Rajah Humabon, ang kanyang asawa at higit sa 300 na mandirigmang Rajah kay Padre Pedro Valderama.
Tahanan ni Emilio Aguinaldo
Ang makasaysayang pagpapahayag ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay nabigyang kaganapan noong Hunyo 12, 1898 kung saan idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang pagsasariling Pilipinas hinggil sa pananakop ng Espanya matapos itong magapi sa naganap na Sagupaan sa Manila Bay noong panahon ng digmaan sa pagitan ng Espanya at Amerika.
Subscribe to:
Posts (Atom)






