Thursday, September 23, 2010

Ang Palasyo ng Malakanyang

Ang Palasyo ng Malakanyang

Ang Palasyo ng Malakanyang (o MalacaƱang Palace sa Ingles) ay opisyal na tirahan ng pangulo ng Pilipinas. Nagmula ang pangalan mula sa pananalitang May lakan diyan dahil dating nakatira dito ang isang mayamang Kastilang negosyante bago pa ito naging tirahan ng punong tagaganap ng bansa. Matatagpuan sa hilagang pampang ng Ilog Pasig sa Maynila. Tumutukoy sa opisyal na tirahan ng pangulo ang Palasyo ng Malakanyang samantalang tumutukoy ang Malakanyang sa tanggapan ng pangulo at pang-araw-araw na pagtutukoy ng medya. Ipinapakita ito sa verso (likod) na bahagi ng 20-pisong salapi.
Ngayon, ang compleks ay binubuo ng Palasyo ng Malakanyang, ang Bonifacio Hall (dati'y tinawag na Premier Guest House na ginamit ni Pangulong Corazon Aquino bilang kanyang opisina at ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada bilang kanyang bahay), ang Kalayaan Hall (ang dating gusaling naging tirahan ng mga pinuno sa ilalim ng pamumuno ng mga Amerikano), ang Mabini Hall (ang gusali ng administrasyon) at ang New Executive Building (na ipinatayo ni Pangulong Aquino) kasama ang ilang maliliit na gusali. Katapat ng Palasyo ang Parke ng Malacanyang, na mayroong golf course, parke, billets para sa mga guwardya ng pangulo, isang bahay na mala-Komonwelt ang itsura (Bahay Pangarap) at recreation hall.


No comments:

Post a Comment