Showing posts with label Makasaysayang Pook sa Pilipinas. Show all posts
Showing posts with label Makasaysayang Pook sa Pilipinas. Show all posts

Tuesday, May 17, 2011

Palasyo ng Malakanyang



Ang Palasyo ng Malacañang ay matatagpuan sa kalyeng J.P. Laurel at Arlegui, San Miguel, Maynila. Ito ay opisyal na tahanan at opisina ng Pangulo ng Pilipinas. Ipinatayo ito noong 3 Hunyo 1963, ni Gobernador Rafael Zulueta, nang ang kaniyang palasyo sa loob ng Intramuros ay masira ng lindol.

Fort Santiago




Ang Fort Santiago (Fueza de Santiago) ay isang malaking kuta at tanggulan na ginawa para sa kongkistador na Kastilang si Miguel Lopez de Legaspi. Bago dumating ang mga Kastila, ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay dating kaharian ni Raha Soliman. Dito nakulong ang pambansang bayani na si Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan (Luneta ngayon).

Krus ni Magellan


              

Ang Magellan’s Cross ay ang pinakatampok sa mga makasaysayang pook sa Lungsod Cebu na Sugbu pa ang katawagan noong dumating ang grupo ng manunuklas at nabigador na Portuges na si Fernao Magalhaes (Fernando Magallanes sa Kastila) o higit na kilala bilang si Ferdinand Magellan. Isang maliit na nayon ng mga mangingisda lamang ang Cebu ng panahong iyon. Noong Abril 21, 1521 ay nagpabinyag ang bagong kaibigan ni Magellan na si Rajah Humabon, ang kanyang asawa at higit sa 300 na mandirigmang Rajah kay Padre Pedro Valderama.

Tahanan ni Emilio Aguinaldo





Ang makasaysayang pagpapahayag ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay nabigyang kaganapan noong Hunyo 12, 1898 kung saan idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang pagsasariling Pilipinas hinggil sa pananakop ng Espanya matapos itong magapi sa naganap na Sagupaan sa Manila Bay noong panahon ng digmaan sa pagitan ng Espanya at Amerika.

Unang Sigaw sa Pugad Lawin


Ang Unang Sigaw sa Pugad Lawin ay isang natatatanging pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na binubuo ng mahigit limandaang Katipunero na sabay-sabay na pinunit ang kani-kanilang sedula bilang pagpapatunay ng kanilang tuluyang pagtiwalag sa pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ito ay naganap noong Agosto 23, 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan.

Monday, May 16, 2011

Philippine Military Academy





Matutukoy ang kasaysayan ng Philippine Military Academy sa Academia Militar na itinatag noong ika-25 ng Oktubre 1898 sa Malolos, Bulacan. Ang Academia ay itinatag ni Heneral Emilio Aguinaldo, upang maging lugar nang pagsasanay ng sandatahang lakas. Sapilitan itong ipinasara noong ika-20 ng Enero 1899 nang magsimula ang alitan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano. Itinatag ang isang paaralan para sa mga opisyal ng sandatahang lakas noong ika-17 ng Pebrero 1905 sa Intramuros, Maynila at inilipat sa lungsod ng Baguio noong 1908. Sa bisa ng Act No. 3946, pinalitan ang pangalan nito bilang Philippine Constabulary Academy kung saan ang mga kurso ay tumatagal mula siyam na buwan hanggang tatlong taon. Nang maipasa ang National Defense Act noong ika-21 ng Disyembre 1936, pormal na binuksan ang Philippine Military Academy kasama ang pagbubukas ng apat na taong kurso. Nang lumaganap ang World War II, nahinto ang pagsasanay ng mga klase sa PMA noong 1942 at 1943. Biglaan ang naging pagtatapos ng mga estudyante at ipinadala ang mga ito sa iba't ibang yunit ng pakikipaglabaan sa Bataan at iba pang bahagi ng Pilipinas. Marami sa mga ito ang namatay dahil sa digmaan. Pagkatapos ng giyera, muling binuksan ang akademya noong ika-5 ng Mayo 1947, sa Camp Henry T. Allen. Ngunit dahil sa pangangailangan ng mas malawak na lugar para pagdausan ng mga pagsasanay, inilipat ito sa Fort Del Pilar, Loakan. Taong 1993 nang maging bukas ang PMA para sa mga babaeng kadete.

San Juanico Bridge





Ang San Juanico Bridge ay ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas. Ang tulay na ito ang nagdurugtong sa Lungsod Tacloban, Leyte at bayan ng Sta. Rita, Samar. Tinawid nito ang Kipot ng San Juanico, may sukat na 2 kilometro pahalang ang tulay ng San Juanico.
Noong 1973, ang tulay ng San Juanico ay ipinatayo sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Chinatown




Ang China Town ay ang sentro ng buhay at anumang may tatak Tsino sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Binondo, Maynila.
Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa bansa'y nakikipagkalakalan na ang mga katutubo sa mga Tsino. Sinasabing noong panahon pa ito ng Dinastiyang Sung hanggang sa Dinastiyang Ming ang ugat ng sinaunang pakikipag-ugnayan ng dalawang lahi. Ayon sa mga tala ng Tsino, noong 1406-1410 ay dumadalaw na ang mga sugo o pinuno ng Luzon at Sulu sa Peking upang makipagugnayan sa emperador. Lumaganap ang kalakalan sa panig ng Pilipinas sa at Tsina noong 1600-1700 siglo. Tinatayang may 200-300 tsino ang nakarating sa Maynila. Sari-saring produkto ang dinala ng mga Tsino sa Pilipinas mula sa pagkain at tela hanggang hayop at alahas. Bilang paraan ng pagkokontrol, itinatag ng mga Espanyol ang parian-ang pook na maaring manirahan, makipagkalakalan, at magserbisyo ang mga Tsino. Ang unang parian ay nasa loob ng Intramuros, at itinatag noong 1581.

Nang paslangin ang mga nag-aklas na Tsino si Gobernador Gomez Perez Dasmarinas noong 1593, inilipat sa labas ng moog. Noong 28 Marso 1594, binili ni Gobernador Luis Peres Dasmarinas ang Binondo at ipinamigay sa mga banyagang Tsino. Dating isla ang Binondo at sumasaklaw ito sa 13 baryo. Rosario ang sentro ng puweblo at kanugnog nito ang San Jacinto, San Jose, San Vicente, San Gabriel de Jolo, Anloague, Longos, Baybay (San Nicolas), La Playa, Estacada, Santa Rosa, Santo Nino at Punta. Ang nasabing mga baryo ang Binondo bilang sentrong komersiyal sa labas ng Intramuros. Ngayon, maraming makikitang Tsinoy (Tsino na nahaluan na ng lahing Filipino) na naninirahan at may malaking negosyo dito.

Parola ng Cape Bojeador








Ang Parola ng Cape Bojeador ay makasaysayang pook na matatagpuan sa bayan ng Burgos, Ilocos Norte, at naging bahagi ng buhay-pagdaragat ng iba't ibang henerasyon ng mga Filipino. Nakatuntong sa ibabaw ng burol Vigia de Nagparitan ang Parola ng Cape Bojeador, na pinakamataas na parola sa buong Filipinas. Matatanaw ang Dagat Timog-Tsina mula sa burol. Ito ay may layong 35 kilometro mula sa hilaga ng Lungsod Laoag.

Ang Parola ng Cape Bojeador ay ginawa noong 1892 at gumagagana pa hanggang sa kasalukuyan. Naglilingkod ito sa mga dumaraang barko at bangkang de-motor mula sa hilagang bahagi ng Dagat Timog-Tsina. Umaasiste rin ito sa mga barkong patungo sa pantalan ng Salomague, na may layong 87 kilomtero mula sa parola at sa Currimao, na 60 kilomtero ang layo. Ang ilaw ay kumikitap kada isang minuto.

Natapos noong 30 Marso 1892, ang parola ay idinisenyo at sinimulang gawin ni Engr. Magin Pers y Pers, ngunit muling binalangkas at tinapos ni Engr. Gullermo Brockman. Gawa sa lokal na tisa at hugis-oktagono ang tore na may dalawang metro ang panloob na dimensiyon; at tatlo't kalahating metro naman ang panlabas na dimensiyon.

Ang Parola ng Cape Bojeador ay may nakaiinggit na posisyon sa lahat ng parolang may hibong Espanyol at Filipino. Hindi lamang nito ginagabayan at tinatanglawan ang baybaying-dagat, natamo rin nito ang pagkilala bilang parolang pinakamadalas bisitahin ng mga turista sa buong bansa.



EDSA Shrine







Ang EDSA Shrine (Our Lady of Peace Quasi-Parish) ay matatagpuan sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA). Isa itong maliit na simbahang itinayo bilang tanda ng naganap na mapayapang aklasang bayan (People Power Revolution) noong 1986, na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa pook na kinatitirikan ng nasabing dambana naganap ang pagtitipon-tipon ng iba't ibang samahang iba't iba ang uri at ideolohiya, na pawang kumilos upang iligtas ang nagkudetang pangkat nina Hen. Fidel Ramos at Kalihim ng Sandatahang si Juan Ponce Enrile.

Intramuros





Ang Intramuros ay ang pinakamatandang distrito sa Maynila. Itinayo ito ng mga Espanyol bilang proteksiyon sa mga katutubong Muslim at Tagalog, noong panahon ng pananakop ng Espanyol. Ang pangalan nito ay hinango sa wikang Latin na intra muros (“Within the Walls”), na ang ibig sabihin ay lungsod na naliligid ng mga pader. Inilalarawan din nito ang matataas at makakapal na pader at ang kanal sa paligid nito.