Ang Tahanan ni Emilio Aguinaldo
Ang Aguinaldo Shrine na matatagpuan sa Kawit, Cavite ay isa sa mga pambansang dambana ng Pilipinas. Ito ang tahanan ni Emilio Aguinaldo, ang rebolusyunaryong heneral at unang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Matapos palayain ng mga Amerikano, nanirahan si Aguinaldo sa kanyang tahanan sa Kawit at dito niya pinaganda at pinatayuan ng balkonahe na inakala ng maraming bumibisita rito na siyang orihinal na lugar kung saan unang iprinoklama ang kalayaan ng Pilipinas. Ipinagkaloob ni Aguinaldo bilang donasyon sa pamahalaan ang kanyang tahanan noong 1962. Sa hardin nito inilibing si Aguinaldo.
No comments:
Post a Comment