Friday, May 20, 2011

Ati-atihan Festival




Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro.

Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang ngayon.

KASAYSAYAN

Noong ika-13 siglo (c.1212AD), ipinagbili ng isang grupo ng mga Ati ang isang maliit na lupain sa mga Malay datus. Ang mga Ati ay ang mga orihinal na naninirahan sa Panay Island. Sa sobrang katuwaan, ipinagbunyi nila ito sa pamamagitan ng pagpinta sa kanilang mukha gamit ang uling upang maging kahawig ang mga Ati.
Ang mga Ati ay kilala sa pagkakaroon nila ng maitim na balat at kulot na buhok, at ang salitang "Ati-atihan" ay may ibig sabihin na "Maging katulad ng isang Ati." Ang kapistahang ito, tulad din ng Sinulog sa Cebu, ay itinuturing na "Ina ng mga Pista sa buong Pilipinas" kung saan ginaya ang selebrasyon na ito sa ibang parte ng Pilipinas tulad sa:

·         Dinagyang sa Iloilo
·         Halaran sa Capiz
·         Binilirayan sa Antique
·         Maskarahan sa Bacolod
·         At sa iba pang barangay sa Aklan, Antique at Capiz.

Ang Ati-atihan dati ay isang pagan festival at ito ay unti-unting nagkaroonng kahulugang pang-Kristiyano noong dumating ang mga misyonaryo. Sa ngayon, ang ati-atihan ay ipinagdiriwang sa pagbibigay bunyi kay Santo Nino.

AKTIBIDAD

Ang Ati-atihan ay punung-puno ng makukulay, masasaya na aktibidad gayun din ang kanilang malalim na paniniwala sa pasasalamat sa mga biyayang kanilang natatanggap. Ilang araw bago ang mismong araw ng kapistahan, ang mga deboto ay dumadalo sa siyam na arw na misa para sa Santo Nino at benefit dances. Ang masigla at pauli-ulit na indayog ng tunog ng tambol, kasabay ang pagsayaw ng mga tao sa kalsada ay hudyat ng unang araw ng kapistahan. Pagdating ng ikalawang araw, ang mga deboto ay sama-sama sa rosary procession sa madaling araw na nagtatapos sa isang community mass.

Sa huling araw ng pista, isang makulay na kumpetisyon ang ginaganap mula sa iba't-ibang grupo na kumakatawan sa mga tribo. Maliban sa tradisyonal na pagpipinta ng itim na pintura o pagpahid ng uling sa kanilang katawan, ang mga kalahok ay nagsusuot ng makukulay at mapanlikhang mga kasuotan na kadalasan ay gawa sa abaka, shells, balahibo ng hayop, kawayan, dahon, cogon, at bulaklak. bago matapos ang araw, isang prusisyon ang magaganap kung saan ang mga deboto ay may dala-dalang mga bamboo torches at imahen ng Santo Nino. Ang nagwagi naman sa pista ay ide-deklara sa isang masquerade ball.

No comments:

Post a Comment