Monday, May 16, 2011

Chinatown




Ang China Town ay ang sentro ng buhay at anumang may tatak Tsino sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Binondo, Maynila.
Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa bansa'y nakikipagkalakalan na ang mga katutubo sa mga Tsino. Sinasabing noong panahon pa ito ng Dinastiyang Sung hanggang sa Dinastiyang Ming ang ugat ng sinaunang pakikipag-ugnayan ng dalawang lahi. Ayon sa mga tala ng Tsino, noong 1406-1410 ay dumadalaw na ang mga sugo o pinuno ng Luzon at Sulu sa Peking upang makipagugnayan sa emperador. Lumaganap ang kalakalan sa panig ng Pilipinas sa at Tsina noong 1600-1700 siglo. Tinatayang may 200-300 tsino ang nakarating sa Maynila. Sari-saring produkto ang dinala ng mga Tsino sa Pilipinas mula sa pagkain at tela hanggang hayop at alahas. Bilang paraan ng pagkokontrol, itinatag ng mga Espanyol ang parian-ang pook na maaring manirahan, makipagkalakalan, at magserbisyo ang mga Tsino. Ang unang parian ay nasa loob ng Intramuros, at itinatag noong 1581.

Nang paslangin ang mga nag-aklas na Tsino si Gobernador Gomez Perez Dasmarinas noong 1593, inilipat sa labas ng moog. Noong 28 Marso 1594, binili ni Gobernador Luis Peres Dasmarinas ang Binondo at ipinamigay sa mga banyagang Tsino. Dating isla ang Binondo at sumasaklaw ito sa 13 baryo. Rosario ang sentro ng puweblo at kanugnog nito ang San Jacinto, San Jose, San Vicente, San Gabriel de Jolo, Anloague, Longos, Baybay (San Nicolas), La Playa, Estacada, Santa Rosa, Santo Nino at Punta. Ang nasabing mga baryo ang Binondo bilang sentrong komersiyal sa labas ng Intramuros. Ngayon, maraming makikitang Tsinoy (Tsino na nahaluan na ng lahing Filipino) na naninirahan at may malaking negosyo dito.

No comments:

Post a Comment