Philippine Military Academy
Matutukoy ang kasaysayan ng Philippine Military Academy sa Academia Militar na itinatag noong ika-25 ng Oktubre 1898 sa Malolos, Bulacan. Ang Academia ay itinatag ni Heneral Emilio Aguinaldo, upang maging lugar nang pagsasanay ng sandatahang lakas. Sapilitan itong ipinasara noong ika-20 ng Enero 1899 nang magsimula ang alitan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano. Itinatag ang isang paaralan para sa mga opisyal ng sandatahang lakas noong ika-17 ng Pebrero 1905 sa Intramuros, Maynila at inilipat sa lungsod ng Baguio noong 1908. Sa bisa ng Act No. 3946, pinalitan ang pangalan nito bilang Philippine Constabulary Academy kung saan ang mga kurso ay tumatagal mula siyam na buwan hanggang tatlong taon. Nang maipasa ang National Defense Act noong ika-21 ng Disyembre 1936, pormal na binuksan ang Philippine Military Academy kasama ang pagbubukas ng apat na taong kurso. Nang lumaganap ang World War II, nahinto ang pagsasanay ng mga klase sa PMA noong 1942 at 1943. Biglaan ang naging pagtatapos ng mga estudyante at ipinadala ang mga ito sa iba't ibang yunit ng pakikipaglabaan sa Bataan at iba pang bahagi ng Pilipinas. Marami sa mga ito ang namatay dahil sa digmaan. Pagkatapos ng giyera, muling binuksan ang akademya noong ika-5 ng Mayo 1947, sa Camp Henry T. Allen. Ngunit dahil sa pangangailangan ng mas malawak na lugar para pagdausan ng mga pagsasanay, inilipat ito sa Fort Del Pilar, Loakan. Taong 1993 nang maging bukas ang PMA para sa mga babaeng kadete.
No comments:
Post a Comment